REALITY BITES
ni Dominic Rea
NAKA-LEAVE muna sa Magandang Buhay si Queen Mother Karla Estrada simula nitong buwan ng Pebrero dahil magiging abala siya sa pag-iikot para mangampanya para sa partylist nitong Tingog na 3rd nominee siya.
Muli iginiit ni QM na hindi siya binayaran ng partylist kundi tunay na pakikisama ang kanyang ginagawa para sa mga Romualdez!
Sa ganang akin lang, hindi na mahalaga kung binayaran o hindi, ang mahalaga ay ang maganda nitong intensiyon sa ating mga kababayan na kapag nakapasok siya ay kanyang bibigyang katuparan.
Kilala naman natin si Karla na kahit noong mga panahong walang-wala pa sila sa buhay ay grabe na ito kung tumulong sa kanyang kinasasakupan lalo na sa mga taong nakapaligid sa kanya.
May kaba kahit paano si Karla sa kanyang tuluyang pagpasok sa politics pero inamin nitong gusto lang naman niyang makapag-serbisyo pa sa mas nakararami.
Bongga.