Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jake Zyrus

Jake walang takot na  ibinandera ang dibdib

HATAWAN
ni Ed de Leon

WALANG suot na kamiseta si Jake Zyrus, ang dating nakilalang si Charice Pempengco bago siya naging isang transman. Wala naman siyang six pack abs, sa tingin nga namin ay medyo malaki pa ang tiyan niya. Pero wala na talaga siyang boobs. Ewan kung nagpa-opera siya at inalis nga ang boobs niya o baka may ginamit siyang gamot para roon. 

Sinabi naman ni Jake, hindi siya humihingi ng opinion ng iba tungkol sa kanyang katawan. Gusto lang niyang ipakita sa ibang mga transman na kagaya niya na wala silang dapat ikahiya.

Marami na rin namang dinaanan sa buhay iyang si Jake.

Na-in love siya noon sa kanyang unang girlfriend na gusto niyang pakasalan at sinasabi niyang gusto niyang magkaroon sila ng anak. Pero matapos lang ang ilang panahon ay nagkahiwalay din sila. Ngayon iba na ang girlfriend na kasama niya.

Bagama’t nagbago na rin nga pati ang kanyang boses, maliwanag na mas sumikat siya bilang singer noong siya pa si Charice Pempengco. Ngayon nakakakanta nga siya pero nagmukhang ordinaryo na lang ang boses niya at maraming mga tunay na lalaking mas ok ang boses.

Kaya nga kaunti ang performances niya sa ngayon, at may panahon pa ngang inamin niyang kinakapos na rin siya ng pera.

Ang masakit diyan, hindi rin naman sinusuportahan ng mga kapwa niya transman ang kanyang career dahil siyempre ang gustong mapanood niyon ay mga magagandang babae. Kagaya rin iyan ng mga transwoman, na nabubuhay lang kung comedian, dahil ang mga kapwa nila bakla, siyempre ang gustong mapanood at suportahan ay iyong mga poging lalaki. Basta nga nalaman nilang bading itsinitsismis pa nila eh. Kaya nga rito sa atin hindi masyadong makausad iyang LGBT.

Sa kaso naman ni Jake, maliwanag naman sa atin na kung ayaw man siyang suportahan ng publiko sa kanyang pagiging transman ay wala siyang pakialam. Basta ginagawa niya kung ano ang gusto niya at hindi niya hinahayaang maapektuhan siya kung ano man ang opinion ng iba. Kahit na hindi niya makuha ang support kahit na ng mga kapwa niya transman ok pa rin sa kanya, basta macho na ang kanyang dating. Iyon nga lang, kahit na ang macho pa niya, hindi pa rin naman siya makabubuntis.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …