Saturday , November 16 2024
Cherry Pie Picache Leni Robredo Nikki Valdez

Cherry Pie at Nikki saludo sa tapang at busilak na puso ni Leni

I-FLEX
ni Jun Nardo

HANGANG-HANGA at saludo sina Cherry Pie Picache at Nikki Valdez sa tapang ni VP Leni Robredo sa gitna ng batikos at fake news, huh!

Para kay cherry Pie, kabutihan ang pinakamataas na uri ng katapangan at personal niya itong nasaksihan kay Robredo.

Hindi madali ‘yon pero biyaya ‘yon para maisabuhay mo ito. Lahat ‘yon nakita ko at patuloy na ipinakikita ni Leni sa ating lahat!” saad ni Picache.

Women power naman ang tinalakay ni Nikki sa kanyang video message sa gitna ng paratang na hindi kayang pamunuan ni Leni ang bansa.

Hindi totoo ‘yon. Iba ang lakas ng kababaihan. Hindi ako naniniwala na kahinaan ang pagiging babae. Ang matibay sa kamay na bakal, ginintuang puso at busilak na kalooban,” giit ni Nikki.

Anyway, sa latest audit rating ng Commision on Audit, ang Office of the Vice President ang nakatanggap ng pinakamataas na audit rating.

Kahit maliit ang budget ng OVP, naghahatid pa rin ito ng tulong sa biktima ng kalamidad at ngayong pandemya sa pamamgitan ng Bayanihan E-Konsulta, Vaccine Express at libreng COVID-19 testing at iba pang tulong sa naapektuhan ng pandemya.

About Jun Nardo

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …