Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alfred Montero Ahron Villena Angie Montero Bakas ni Yamashita

Angie Montero, excited na bilang aktres/producer ng Bakas ni Yamashita

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NAGSIMULA na ang shooting ng pelikulang Bakas ng Yamashita na prodyus ng White Eagle Films Productons. Ito ay isinulat ni Bill Velasco at pinamamahalaan ni Direk Danni Ugali.

Sina Alfred Montero at Ahron Villena ang bida sa naturang pelikula. Ang producer nito na may papel din sa movie ay si Ms. Angie Montero.

Hindi ba siya nagdalawang isip na kahit may pandemic pa, ipinrodyus niya ang movie na ito?

Sagot niya, “Hindi naman po, kasi puwede namang ibenta po ang movie at puwede rin ang private screening.”

Pang-ilang movie na niya ito as a producer and dati na ba siyang lumalabas sa movie?

Kuwento ni Ms. Angie, “Pangatlo na po ito, yung una po ay nagwe-wait lang kami na mag-open ang mga sinehan. Ito naman po, plano namin na maibenta sa Netflix.”

Esplika pa niya, “Pangalawa po sa full-length at isang short film po. First time ko po sa movie, kasi busy po ako sa school po, eh.”

Nabanggit din niya ang nararamdamang excitement sa kanilang ginagawang pelikula.

“Super-excited po ako sa movie namin, kuya… kasi historical story siya. Na hindi nakakalimutan ng mga tao, even ng mga students, ang name ni Yamashita. At ito ay puwedeng-puwedeng ipanood sa lahat ng edad na manonood po.

“Hoping po kami na abangan sana ng moviegoers itong movie namin at ipapalabas din po namin ito sa mga schools po, kaya abangan sana nila,” masayang sad pa ni Ms. Angie.

Tampok din sa Bakas ni Yamashita sina Dexter Doria, Lou Veloso, Archi Adamos, Simon Ibarra, Toni Co, Joshua de Guzman, Christa Jocson, at iba pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …