I-FLEX
ni Jun Nardo
NAGPASALAMAT si Sharon Cuneta sa international singer na si Cher nang mag-tweet ang huli tungkol sa kandidatura ni VP Leni Robredo bilang Presidente ng bansa.
“Bravo! Let women do it!
“Let Leni & all women fighting 2 save climate, children, elderly, poor, homeless, sick, ppl of all colors, ethnicities, LGBTQ, force honor in gov. make medical care, education, childcare free, tax corporation, stop child labor, animal cruelty, etc. #2GETHERWERSTRONG.” Tweet ni Cher na inilabas ni Sharon ang screen shot nito sa kanyang Instagram.
Nag-tweet si Shawie kay Cher at ipinaalam din niyang tumatakbo ang asawa niyang si Senator Kiko Pangilinan bilang Vice President ni VP Leni.
“They are a wonderful, honest, God-fearing, knowledgeable team! We love you! #WomenPower.”
Nawa’y makatulong ang endorsement ni Cher kay VP Leni sa kandidatura niya, huh!