ni Ed de Leon
MAY isang mayamang foreigner na bading, na nakilala at naka-date ng isang male star na mukhang nabaliw din sa kanya at nangakong tutulungan siya at gagastusan din para maging isang international star na pinapangarap niya, pero siyempre sasama siya sa abroad at makikipag-live in sa kanya.
Pumayag naman daw ang male star, tutal nagawa na niya ang lahat at wala namang mangyari sa kanyang career. Mag-iisang taon na siyang mahigit na umaasa lamang sa kanyang “sideline” para mabuhay. Mabuti nga at nakuha siya ng bading na foreigner.
Ayon sa aming source,matanda na raw ang bading na foreigner. Mukhang mas matanda pa sa tatay ng male star. Pero kung susustentuhan nga ba siya niyon at tutulungan pang maging big star, bakit nga ba hindi?