MATABIL
ni John Fontanilla
MARAMI ang natuwa nang mag-post ng kanyang baby bump picture si Jennylyn Mercado suot ang isang black body suit na nakaharap sa isang salamin at nag-selfie.
Caption ng aktres sa picture, “[Twenty-six] weeks.”
Ilang buwan na nga lang ang bibilangin at masisilayan na nina Jennylyn at Dennis Trillo ang kanilang baby girl.
Maraming mga tagahanga at mga kaibigan sa loob at labas ng showbiz ang natuwa sa naging post ni Jennylyn sa Instagram tulad nina Angel Locsin, Yasmien Kurdi atbp..