Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Clarence Delgado Patricia Coma

Clarence at Patricia enjoy sa lock in taping

RATED R
ni Rommel Gonzales

GUMAGANAP sa First lady, tulad sa First Yaya noong 2021, bilang mga anak ng Presidente at apo ni Blesilda sina Patricia Coma bilang Nicole Acosta at Clarence Delgado bilang Nathan Acosta.

Kasalukuyang naka-lock in na ang dalawang Kapuso youngstars kaya tinanong namin sila kung ano ang pananaw nila tungkol sa lock in taping na mukhang bahagi na ng new normal sa showbiz dahil sa pandemya na dulot ng COVID-19.

Lalo sila na mga kabataan at millennials na sanay lumabas at gumala tapos ngayon ay kinailangang nasa loob lamang ng “bubble” ng taping at hindi maaaring lumabas para na rin sa kanilang kaligtasan at kalusugan.

“Mas ine-enjoy ko na lang ang  lock in and for self-development na rin po.  

“I think the pressure is there but good kind of pressure po siya, ‘yung pressure na masaya gawin. Kaya nae-enjoy ko na lang po talaga siya,” pahayag ni Patricia.

“I guess nahihirapan lang po siguro sa [online] school kasi sabay po siya sa lock in pero kinakaya naman po.”

Para naman kay Clarence, may pros and cons ang lock in taping.

“Kapag po lock in, hindi ka nga makalabas, pero kaya naman po. Pero ang gusto ko po sa lock in dati sa ‘First Yaya’ and ngayon po sa ‘First Lady’ is nae-excite po ako gawin ‘yung trabaho ko kasi ‘yung mga cast member po and ‘yung production [team] masaya po silang makasama.

“Nagkaroon na po talaga kami ng bond and connection po kaya every taping masaya po siya para sa akin,” ang sinabi pa ni Clarence.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …