Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Anjo Damiles Analyn Barro

Anjo at Analyn kapwa na-pressure sa First Lady

RATED R
ni Rommel Gonzales

MULA sa matagumpay na pag-ere sa GMA ng First Yaya noong 2021, ngayong 2022 ay tuloy ang kuwento nina Melody Acosta-Reyes bilang First Lady (ginagampanan ni Sanya Lopez) at mister niyang Pangulo ng Pilipinas na si Glenn Acosta played by Gabby Concepcion.

Siyempre, kasama rin nila sa panibagong kabanata ng kanilang buhay sa First Lady ang ibang mga karakter na nagmula rin sa First Yaya tulad nina Analyn Barro bilang Gemrose Reyes-Garcia (kapatid ni Melody) at si Jasper Garcia (asawa ni Gemrose at ginagampanan ni Anjo Damiles).

Kaya naman tinanong namin ang mga nabanggit kung may pressure ba silang nadarama sa First Lady na mapantayan (o malampasan) ang tagumpay ng First Yaya?

“For me po, the pressure is there but I’m a bit confident. Ang laki po ng tiwala ko kay direk LA, kay San [Sanya], kay kuya Gabby, at sa lahat ng actors ng ‘First Lady’ so, confident po ako na masu-sustain at malalagpasan pa namin ‘yung mga expectation ng mga audience. And I’m so sure na mas lalong pinagaganda ng creatives ‘yung istorya at mga eksena kaya panatag po ako sa ‘First Lady’ and excited din,” ang nakangiting pahayag ni Analyn.

Kinakabahan naman daw si Anjo.

“Kasi panibagong taping na naman ito, pero just like Analyn po may kompiyansa ako kila kuya Gabby, kila Sanya, and of course sa buong production team, sa mga direktor namin, sa writers, kasi iba, iba ‘yung takbo ng isip nila ngayon.

“Mas napaganda nila ‘yung show, and alam ko kung maganda ang ‘First Yaya,’ mas maganda ang ‘First Lady.’ Maraming nadagdag na bagong karakter so, nakatutuwang gawin ‘to.”

Ang First Lady ay idinidirehe nina LA Madridejos at Rechie del Carmen.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …