RATED R
ni Rommel Gonzales
TULAD ni Pancho Magno, “pasok din sa banga” si Thou Reyes, meaning kasali rin siya sa 2021 cast ng First Yaya at ngayong 2022 sa First Lady. Presidential Chief of Staff naman si Thou bilang si Yessey Reyes.
At kagaya rin ni Pancho, happy si Thou na muling mapabilang sa mga karakter sa serye.
“Bukod po roon sa istorya ng ‘First Lady,’ mas na-excite po kami kasi of course, we’ll be working with the same people. Same creatives, same team, masarap ho sa pakiramdam kasi naging masaya ‘yung foundation ng ‘First Yaya’ and we’re just gonna continue working with the same team and working with the same great actors ng ‘First Yaya’ and of course lumaki pa sa ‘First Lady.’
“And ang sarap sa pakiramdam na lahat ho kami, salamat ho sa GMA, lahat ho kami ay may trabaho sa unang hirit ng 2022.
“So bukod sa istorya ng ‘First Lady’ mas na-excite rin po ako na magkita-kita kami, at eto nga po medyo mahaba-habang lock in at safe kaming nakapasok lahat.
“Doon po ako mas na-excite and of course kung masaya po ang set masaya po ang buong team magre-reflect po ‘yan sa istorya namin at iyon po ‘yung napanood nila [sa First Yaya] na iko-continue lang namin sa ‘First Lady,’”ang excited na kuwento naman ni Thou.
Napapanood na sa GMA simula kahapon, Lunes ng gabi, February 14, Araw ng mga Puso, ang First Lady na pinagbibidahan nina Sanya Lopez bilang Melody Reyes-Acosta at Gabby Concepcion bilang Glenn Acosta.
Tampok din sina Pilar Pilapil bilang Blesilda Acosta; Cassy Legaspi bilang Nina Acosta; Patricia Coma bilang Nicole Acosta; Clarence Delgado bilang Nathan Acosta; Boboy Garovillo bilang Florencio Reyes; Sandy Andolong bilang Edna Reyes; Analyn Barro bilang Gemrose Reyes-Garcia; Jerick Dolormente as Lloyd Reyes, Isabel Rivas bilang Allegra Trinidad; Francine Prieto bilang Soledad Cortez; Samantha Lopez bilang Ambrocia Bolivar; Maxine Medinabilang Lorraine Prado; JD Domagoso bilang Jonas Clarito at marami pang iba. Sa direksiyon nina LA Madridejos at Rechie del Carmen.