RATED R
ni Rommel Gonzales
SA First Yaya last year at sa umeere ngayong First Lady ng GMA ay PSG (Presidential Security Group) Captain si Pancho Magno bilang si Conrad Enriquez.
Walang pagsidlan ang tuwa ni Pancho na kasama siyang muli sa First Lady.
“Of course super na-excite kami na pumasok ulit and continue ‘yung mga role. Actually noong first time na isinuot ko ulit ‘yung mga uniform ni Conrad kakaiba ‘yung feeling, nakaka-goosebumps and siyempre nakaka-miss ‘yung character na ‘yun.
“Super-excited pero now it’s more, since malapit na rin ‘yung election so ‘yung tina-tackle namin is, siyempre andoon pa rin ‘yung heart, ‘yung love, ‘yung comedy ‘di ba, but now it’s more serious, it’s more educational, so I really hope na makatulong kami sa mga future voters natin.
“So yeah super-excited, and alam ko ‘yung mga Kapuso natin, magugulat sila sa mga scene na nandito ngayon sa First Lady so I’m really, really excited na mapanood na nila ‘yung First Lady,” ang masayang pahayag ni Pancho.