ni Ed de Leon
“SOBRA iyan kung makapag-demand ng datung dahil ang paniwala niya ay napaka-pogi niya at hinahabol talaga siya ng mga bading. Pero iyon namang ipinagmamalaki niya parang “kalingkingan” lang ang laki,” anang isang bading.
Dahil daw sa taas ng demand na datung, iniiwasan na ng mga bading ang male newcomer.
“Aba kung ganoon siyang, magpresyo kukuha na kami ng mas pogi at mas sikat. Ngayon pang panahon ng pandemya na lahat halos sila kailangan ng datung. Pero mukhang nakahalata na siyang iniiwasan na siya ng mga dating may interest sa kanya,” sabi pa ng aming source.