Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gabby Concepcion

Gabby mas naging wise, politika isinantabi

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAGPAHAYAG si Gabby Concepcion na hindi na raw siya papasok na muli sa politika. Minsan na kasi siyang pumasok diyan at natalo bilang mayor sa bayan ng San Juan. Pero sa totoo lang, mali ang pasok niya noon dahil ang sinuwag niya ay isang pamilyang humawak sa noon ay bayan pa ng ilang panahon na. Siguro kung naghintay siya nang kaunting panahon pa at pinag-aralan ang sitwasyon ay baka nga sakali pa. Iyang politika kasi importante ang timing eh. Iisipin ba ninyong noong nakaraang eleksiyon ay tumaob ang political clan na

iyon, hindi lang sa San Juan kundi sa lahat ng teritoryo na dati na nilang nahawakan.

Isa pa, noong mga panahong iyon ang tingin ng mga taga-San Juan ay masyadong bata pa si Gabby para sa posisyon. Sinasabi pa ng iba na kulang ang kanyang karanasan dahil ni hindi siya naging opisyal man lang ng barangay bago tumakbong mayor. Ang isa pang factor, matindi noon ang mga intriga laban kay Gabby, at ang pinakamalaking problema, wala siyang nakuhang malaking financial support para itaguyod ang kanyang kampanya. Noong kumandidato si Gabby, umasa lang siya sa personal niyang popularidad. Wala rin siyang political machinery.

Iyong pagkatalo noon ni Gabby ay dahil sa katotohanang hindi niya napag-aralan nang husto ang kanyang pinasok. Pero ang magandang epekto nga siguro niyon kay Gabby, nadala na siya at ngayon nga ay ayaw na niyang pumasok na muli sa politika.

Tama rin naman iyan dahil napakahirap na pagsabayin ang politika at ang showbusiness. Hindi mo mapagsasabay dahil parehong matindi ang demands sa iyong atensiyon at panahon. Kailangang iwanan mo ang showbusiness o talikuran mo na ang politika. Pinili ni Gabby na talikuran na ang politika.

Wise naman si Gabby. Siguro ang kinikita ni Gabby bilang actor sa isang araw na taping lamang ay halos kabuuang suweldo na ng isang mayor sa isang buwan. Lahat naman ng mga artistang pumasok sa politika ay umaamin na totoo iyan.  Maski nga si Ate Vi, minsan ay nagsabing nagulat siya nang malaman niyang mas malaki ang tax na binabayaran ng anak niyang si Luis. Ibig sabihin mas malaki ang kinikita niyon kaysa kanya at noon ay governor na siya. Kung minsan nga at may mga proyekto siyang nangangailangan ng mas malaking pondo, nagpapaalam siyang gagawa ng pelikula para may pagkunan siya ng additional funds na hindi na kayang kunin sa budget ng gobyerno.

Kaya nga wise si Gabby na huwag nang pumasok sa politika.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …