Monday , December 23 2024
Pepe Herrera Pia Wurtzbach Piolo Pascual

Piolo mas feel tawaging Papa P kaysa Tito

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

INAMIN ni Piolo Pascual na natatawa siya everytime na tinatawag na Papa P. Halos kasi lahat ito ang tawag sa kanya.

Ayon sa kuwento ni Piolo sa virtual media conference ng pinakabago niyang sweetcom sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, iWantTFC, at TFC na mapapanood na sa Marso 5, madalas na Papa Pi na ang tawag sa kanya.

“At first nakakatawa, ‘di ba, parang awkward na pati mga staff ‘yun ang tawag sa akin pero kaysa tawagin kang Tito, mas okay na ‘yung Papa P,” anito. “It’s really overwhelming. Nakatutuwa lang kasi it’s a term of endearment.”

Ang My Papa Pi ay nag-uumapaw na saya at kilig na bukod kay Piolo, makakasama rin sina Miss Universe 2015Pia Wurtzbach at Pepe Herrera handog ng Star Creatives at ididirehe ni Cathy Garcia-Molina.

Ang My Papa Pi ay iikot sa buhay nina Pipoy (Piolo), isang single dad na nais mabigyan ng magandang kinabukasan ang anak kasama ang kanyang kambal na si  Popoy (Pepe), na may-ari ng sikat na tumbungan na “One More Tumbong,” at si Tere (Pia), isang babaeng may mabuting kalooban na one great love ni Popoy pero may pagtingin naman para kay Pipoy. 

At para lalong maging kuwela, kasama rin sa Brgy. Gintong Tupa sina Joross Gamboa, Alora Sasam, Hyubs Azarcon, Katya Santos, Daisy Lopez o Madam Inutz, at  ang breakout stars na sina Anthony Jennings at Daniela Stranner mula sa pelikulang Love at First Stream.

Isa ang My Papa Pi sa mga inaabangang bagong programa ng ABS-CBN ngayong 2022 dahil ito ang pagbabalik ni Piolo sa paggawa ng serye sa network mula pa noong 2020.  Sweetcom kung tawagin ang kanyang bagong show na magpapangiti at magpapatibok ng puso ng mga manonood.

“It’s a nice breather. I even surprise myself dito sa show. Ang sarap having a solid cast and a director na fun. ‘Pag nakakapagpatawa ka o nakapagbibigay- ligaya sa paligid mo it’s a nice feeling pabalik sa ‘yo,” ani Piolo sa kanyang bagong show.

Kaabang-abang din ang atake rito ni Direk Cathy na kilala sa kanyang box-office films at hit teleseryes. 

Ikinuwento ni Direk Cathy kung bakit tinanggap niya ang proyekto. “Ang top of all my reasons, si Piolo. I really want to work with Piolo kasi ang huli namin ‘Lobo’ pa, dekada na ‘yun. So na-miss ko na siya…Pangalawa, it is something new to me. Sitcom na naging sweetcom. Tapos na-cutean ako sa idea na kambal sina Pepe at Piolo. Natuwa ako roon tapos mayroon pang Queen P dito. 

“Itong set na ’to extra saya. Dala na rin siguro na sweetcom siya so alam naming lahat na kami ay dapat magagaan lang, patawa lang lahat,” dagdag pa niya.

Ito rin ang pagbabalik sa pag-acting ni Pia na bumida sa Star Cinema film na My Perfect You at naging host ng World of Dance Philippines at Pia’s Postcards. 

“Ang perfect ng project para sa akin kasi malalabas ko ‘yung kulit ko…So parang it’s a great way to come back. Sobrang grateful ko po na ako ‘yung napili,” ‘ika niya.

Patuloy naman ang pag-angat ni Pepe sa showbiz bilang komedyante matapos ang kanyang paglabas sa mga pelikula at serye tulad ng Princess Dayareese, Jhon En Marsha, Hoy, Love You,  at The Killer Bride. 

Si Direk Cathy gusto ko makatrabaho ulit kasi siya ‘yung first ko sa TV sa Forevermore tapos si Pia at si Piolo nakikita ko lang dati sa TV or sa ‘ASAP,’ ‘hi hello’ lang, so naku-curious ako sa kanila. I feel very blessed and grateful,” kuwento naman ni Pepe.

Abangan ang My Papa Pi tuwing Sabado ng 7:00 p.m. simula Marso 5 sa  Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, iWantTFC, at TFC.  

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …