Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sunshine Cruz

Paro-Paro G ni Sunshine naka-1-M agad

HATAWAN
ni Ed de Leon

GULAT na gulat din si Sunshine Cruz, “nagsayaw lang ako ng paro-paro G kasama sina Rhona, one million na agad.”  Ang tinutukoy niya ay isang dance video na inilagay niya sa isa niyang social media account.

Kami man nakita namin ang video na iyon na nagsasayaw nga si Sunshine, kasama ang dalawang iba pa ng paro-paro G.

Kami man, tatlong beses naming pinanood iyon eh kasi cute ang dating.

Eh ang mga tao, naghahanap na ng wholesome entertainment na kaaaliwan nila. Nakakasawa na iyong mga seryeng Koreano na wala kang makita kundi mga singkit, na ang layo pa ng buka ng bibig sa naririnig mong sinasabi. Iyong mga serye namang local, nagsuntukan, nagbarilan, nagyakapan at ilang taon na rin iyan. Manood ka naman ng mga streaming sa internet, magagastusan ka na, maiinis ka sa mabagal na internet na nagha-hang, at wala ka pang mapanood kundi kahalayan.

Kaya basta may nakasisingit na medyo cute at wholesome gaya niyang dance video ni Sunshine, pinanonood talaga iyon ng mga tao.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …