Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Klinton Start

Klinton Start magkaka-billboard sa NY City

MATABIL
ni John Fontanilla

SUNOD-SUNOD ang blessings na dumarating sa tinaguriang Supremo ng Dance Floor na si Klinton Start dahil after maging cover ng International Magazine na Aspire at makasama sa pinag-uusapang teleserye ng Kapamilya Network na The Marriage Broken Vow, may bago na naman itong proyekto.

Balita ng publisher ng Aspire Philippines na si Allen Castillo, magkakaroon ng billboard ang Aspire sa New York City USA at isa si Klinton sa makikita kasama ang model/businessman na si Tom Simbulan at iba pang modelo.

Bukod sa malaking billboard sa New York City, nakatakda rin silang pumunta roon para sa isang malaking fashion show ngayong taon.

Dagdag pa rito ang nalalapit nitong pictorial para naman maging cover ng dalawang sikat na local magazines sa bansa.

Kaya naman sobrang thankful si Klinton unang-una sa Diyos Ama, sa kanyang Ate Ann Malig- DizonAte Haye Start, Allen Castillo, publisher of Aspire Magazine Philippines, at sa kanyang manager sa magagandang nangyayari sa kanyang career sa pagsisimula pa lang ng taon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …