HATAWAN
ni Ed de Leon
HABANG halos maghapong nilalait si Toni Gonzaga sa cable channels at sa social media, dahil sa kanyang pinanindigang political leanings, wala isa mang lumait kay Karla Estrada na naroroon din sa kaparehong rally. Sabi nila, si Karla naman daw ay guest lang at lumitaw doon dahil sa kanyang party list, hindi gaya ni Toni na host
pa .
May nagsasabing baka naman ginawa iyon ni Toni dahil iyon ang kanyang career. Trabaho lang iyon para sa kanya. At si Karla, hindi nila kayang laitin dahil paano kung umalma si Daniel Padilla kung lalaitin ng sarili niyang network ang nanay niya. Aalma rin tiyak si Kathryn Bernardo, na siya pa naman nilang pinakamalaking box office star sa ngayon. Hindi sila magkakamaling isugal iyan.
Mabilis din si Karla, nag-post siya agad na kahit na magkakaiba sila ng political beliefs sa kanilang pamilya, lahat sila ay malayang pumili kung sino ang gusto nila. Nagkataon nga lang na ang party list ni Karla, at ang partido ng tatay ni Daniel na si Rommel Padilla ay mukhang nasa isang kampo. Hindi man kasali sa senatorial slate ng partido, tumakbo rin ang tiyuhin ni Daniel na si Robin Padilla sa ilalim ng PDP Laban, na mas makiling din sa grupong hindi sinusuportahan ng kanyang network kaya siguro quiet lang si Daniel.
Pero kung kukulitin nila iyan, naku baka tumalon iyan sa baggong network, lalong sakit sa ulo nila iyan.