I-FLEX
ni Jun Nardo
BIRTHDAY month ngayong February ni Kris Aquino. Maaga ngang bumati sa kanya si Manay Lolit Solis na malapit sa kanya.
Sa post ni Manay sa kanyang Instagram kahapon, sa opinyon niya, bagay sila ng senatoriable Herbert Bautista dahil may sariling career. Tinanong namin si Bistek kung ano ang reaksiyon niya sa aming group chat.
Tiklop ang bibig niya!
Pero nang tanungin naming kung ano ang reaksiyon niya dahil hindi na siya isinama sa senatorial line-up nina Lacson at Sotto, “Malaki ang respeto ko kay Tito Sen at sa family niya,” matipid niyang sagot.
And for the record, si HB ang umalis sa team ng Lacson-Sotto at hindi totoong inalis siya.
Sa reports, may ibang senatorial line-up nina Lacson at Sotto ang tinanggal nila sa kanilang team.