Sunday , December 22 2024
RJ Divinagracia infinity boys

Dating soloista ng Infinity Boys ‘di maiwan ang pagkanta

TULOY pa rin ang pagkanta ng isa sa miyembro at lead vocalist ng Infinity Boys na si RJ Divinagracia kahit nasa Davao na para magtrabaho at manirahan.

Si RJ ay naging miyembro ng Ppop Boyband na Infinity Boys bago nagdesisyong magsolo at nakapag-show na sa iba’t ibang malls. Nakapag-guest na rin siya sa ilang TV shows at radio prograns bago nagkaroon ng pandemya. 

At kahit iba na nga ang linya ng trabaho nito ay hindi pa rin niya kinalilimutan ang hilig sa pagkanta, kaya naman may times na sumasali siya sa mga singing contest at minsan naman ay naggi-guest sa mga event sa kanilang lugar.

“Sobrang nami-miss ko ‘yung mag-perform, kaya naman ‘pag may free time ako sumasali ako ng mga singing contest o kaya naggi—guest ako sa mga pa event dito.

“Kahit na nga iba na ‘yung work ko, ‘di ko pa rin maiwan ‘yung love ko sa music, kaya naman tuloy-tuloy pa rin ang pagkanta ko, ‘yun nga lang ‘di na sa grupo, solo na ako.”

Dream ni RJ na maka-collab sa isang awitin at makasama sa concert sina Eric Santos at Gary Valenciano.

(JOHN FONTA­NILLA)

About John Fontanilla

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …