Sunday , December 22 2024
Toni Gonzaga PBB exit

Toni Gonzaga nag-voluntary exit bilang host ng PBB;  Bianca papalit

PABONGGAHAN
ni Glen Sibonga

HINDI na babalik si Toni Gonzaga bilang main host ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 at ipinasa na umano nito sa co-host na si Bianca Gonzalez ang trabaho. Base iyan sa Twitter post ng ABS-CBN News Correspondent na si MJ Felipe.

Ayon sa tweet ni MJ, “THIS JUST IN: According to a reliable source, Toni Gonzaga will no longer host Pinoy Big Brother. No formal resignation but source said Toni has voluntarily endorsed the main hosting job to Bianca Gonzalez. 

Reached out to PBB and Toni, awaiting for their official statements.”

Nang i-deadline namin ito ay wala pang official statement na inilalabas ang management ng PBB at ABS-CBN.

Sapantaha ng marami, may kinalaman ito sa pag-endoso ni Toni sa kandidatura nina Senator Bongbong Marcosat Davao City Mayor Sara Duterte na tumatakbong Presidente at Bise Presidente sa darating na eleksiyon.

Nag-trending si Toni sa social media matapos niyang mag-host sa proclamation rally nina Bongbong at Sara sa Philippine Arena. Kasama ring pormal na ipinakilala sa publiko ang senatorial lineup ng kanilang UniTeam, na kabilang si Rep. Rodante Marcoleta, na kabilang sa mga nag-push at bumoto para hindi mabigyan ng franchise ang ABS-CBN. Isa si Toni sa main talents ng Kapamilya Network. 

Representante ng Sagip party list. May laban tayo sa kanya. Number 43 sa balota. Congressman but soon to be Senator Rodante Marcoleta,” pagpapakilala ni Toni sa senatoriable.

Mainit ang naging reaksiyon ng netizens. Ayon nga sa tweet ng journalist na si Lian Buan, “Toni Gonzaga, one of ABS-CBN’s biggest celebrities, introduces Rodante Marcoleta who pushed to deny the franchise renewal of the network costing thousands of Kapamilya workers their jobs.”

Nitong February 9, bumuhos naman ang suporta kay Toni at muli siyang nag-trending sa Twitter, na nakalagay sa tweets ng kanyang supporters ang, ”STOP CANCEL CULTURE #UnbotheredQueenToniG”

Samantala, hapon ng February 9 ay nag-post na si Toni sa Instagram ng kompirmasyon ng kanyang pag-alis bilang main host ng PBB.

Dito ay nagpaalam na siya sa PBB, na naging host siya sa loob ng 16 taon. Nagpasalamat din siya kay Kuya o Big Brother.

Ayon sa IG post ni Toni, “It has been my greatest honor to host PBB for 16 years.

From witnessing all my co-hosts transition from housemates to PBB hosts are just some of the best moments in my life sa bahay ni Kuya!

“Today, I’m stepping down as your main host. I know Bianca and the rest of the hosts will continue the PBB legacy.

“It has been my privilege to greet you all with “Hello Philippines” and “Hello World” for the last 16 years.

“I will forever cherish the memories, big nights and moments in my heart.

“Thank you Kuya for everything.

This is your angel, now signing off.”

About hataw tabloid

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …