HATAWAN
ni Ed de Leon
MAY bago na namang gimmick ang ilang newcomers. Wala na sila sa mga bar dahil karamihan nga sa mga iyon ay hindi pa nagbubukas. Wala rin naman sila sa malls, kasi masyadong cheap na roon sila naka-istambay lalo na nga kung may kaunti na rin silang pangalan at kilala na.
Ang istambayan naman pala nila ngayon ay mga gym. Kunwari naroroon sila para magpaganda pa ng katawan, pero ang totoo, roon nila kinatatagpo ang mga gay na interesado sa kanila. Madali mo naman daw mahalata ang suma-sideline, kasi pag-alis niyan sa gym kasunod na agad kundi man kasabay ang mga gay na ka-deal nila. Ganyan ang ginagawa ngayon ng mga baguhang male star at siyempre ang level ng gym ay depende rin sa level ng kanilang popularidad at “presyo.’
Ang buhay nga naman ngayon, talagang para-paraan na lang. Kahit na kasi artista, lalo na iyong mga baguhan, marami na ang gutom ngayon dahil sa nangyaring lockdown.