MARIING pinabulaanan ng beauty queen na si Janelle Lewis na inahas niya si Kiko Estrada kay Heaven Peralejo.
Anito, break na sina Kiko at Heaven nang pumasok siya sa eksena, kaya hindi masasabing siya ang third party at rason ng paghihiwalay ng dalawa.
Kuwento pa nito, ”A few months pa lang po na nagdi-date kami ni Kiko, I won’t say how many times na kami lumabas, para wala na pong isyu na lumabas na baka sabihing third party ako or anything.”
Dagdag pa nito, ”They were finished a few months before I came into the picture.
“Napaka-sweet at gentleman po ni Kiko, sinusundo at hinahatid niya ako para safe ako and na-meet ko na rin ‘yung mommy niya nang ipinakilala niya ako sa family niya.”
Nagkakilala sina Janelle at Kiko dahil isa lang ang manager nila, si Arnold Vegafria at doon ay nagkagaanan sila ng loob hanggang humantong na nga sa pagdi-date at ligawan. (JOHN FONTANILLA)