Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bianca Umali Camille Prats Iya Villania

Sinigang na may pinya ni Bianca big hit kina Camille at Iya

RATED R
ni Rommel Gonzales

IPINAMALAS ni Bianca Umali sa programang Mars Pa More ang pagluto niya ng special sinigang recipe na ginamitan ng pinya. Pumasa kaya ito sa panlasa ng mga host na sina Camille Prats at Iya Villania?

Ayon kay Bianca, malapit sa puso niya ang naturang recipe na natutunan niya sa kanyang lola.

Matapos ipakita ng aktres kung paano ang pagluluto ng kanyang sinigang na baboy with pinya, ipinatikim niya ito kina Camille, Iya, at guest na si Gabrielle Hahn.

“Bianca, sobrang sarap,” sabi ni Gabrielle nang matikman ang sinigang.

Para kang lola mo,” sambit naman ni Iya.

Sabi naman ni Camille, “I would like to say na puwede ka nang mag-asawa pero ‘wag muna.

“Kami muna mag-e-enjoy ng mga luto mo kaya weekly bumalik ka rito, ipagluto mo kami ni Iya,” dagdag pa ni Camille.

Dugtong ni Iya, “O kaya padalhan mo kami ng pagkain, happy na kami riyan.”

Sabi naman ni Bianca, “Actually, ok akong maging part ng ‘Mars’… ako na lang tagaluto niyo rito.”

Panoorin kung paano lutuin ang katakam-takam na special sinigang recipe ni Bianca.

Malapit nang mapanood ang Halfworlds na pagbibidahan ni Bianca sa HBO Asia.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …