Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cristy Fermin Ping Lacson

Matapang, malinaw, madiin na sagot ni Ping hinangaan ni Cristy Fermin

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

PUMASA sa panlasa ng kilalang writer at radio host na si Cristy Fermin angmga naging kasagutan ni presidential candidate Senator Ping Lacson sa katatapos na  PANATA Sa Bayan, The KBP Presidential Forumna napanood kamakailan sa Cignal OnePH at sa 300 estasyon ng radyo, telebisyon, You Tube, at Facebook.  Bukod kay Lacson, dumalo rin ang iba pang presidential candidates na sina Mayor Isko Moreno, Sen Manny Pacquiao, VP Leni Robredo, at Ka Leody de Guzman

Bukod tanging si  dating Senador Bongbong Marcos lang ang hindi tumanggap sa imbitasyon.

Ani Tita Cristy, naitawid ng mga kandidato ang mga katanungang ibinato sa kanila. Nakatawag-pansin sa kanya ang mahusay na pagsagot ni Ping na aniya’y, “kung thinking Pinoy ka na nagmamalasakit sa bayan mo, kung Filipino kang nangangarap na mapabuti ang kalagayan ng bansa mo sa susunod na anim na taon, si Senator Ping Lacson ang iboboto mo.”

Sinabi pa ng mahusay na manunulat na alam ng mga panelist ang pinasok nilang lungga, pati ang mga isinasaad ng batas, pero sa kanilang mga sagot ay mapipisil agad kung sino sa kanilang lahat ang nakakonek sa taumbayan.

Panalong-panalo talaga si Ping dahil sinabi pa ni Tita Cristy na direktang nasasagot ng Senador ang kahit anong tanong, hindi nagpapaligoy-ligoy. “May natitira pa nga siyang ilang segundong nakalaan para sa kanya, pero pakiramdam mo’y busog na busog ka na sa kanyang mga isinasagot.”

Sinabi pa ng host-writer, “marami kaming tanong, tulad din ng ating mga kababayan, na sa isang programa lang ay naitawid ng senador ang mga tugon. Lahat ng aspeto ay sinakop niya—disiplina, korapsiyon, ang pagkalugmok sa utang ng ating bayan, pagbibigay ng trabaho sa mga nawalan—lahat-lahat ay malinaw niyang  natugunan.

”Matapang. Malinaw. Madiin. Walang pagpapaikot-ikot. Kung thinking Pinoy ka, paalala ng aming kaibigan, ay alam na natin kung sino ang karapat-dapat maupo sa makapangyarihang silya ng Palasyo.” 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …