PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga
NAGBIGAY ng babala sa publiko ang Kapamilya noontime show na It’s Showtime laban sa fake account na nagpapa-audition para sa bagong Girltrends.
Ayon sa tweet mula sa official Twitter account ng It’s Showtime, “PUBLIC ADVISORY! Madlang People! Please be advised that the circulating announcements of auditions for Girltrends under the account of ‘Showtime Dancer Hiring’ are FAKE and NOT AFFILIATED with ABS-CBN and It’s Showtime.”
Sa live telecast ng show nitong Lunes ay inanunsiyo rin ng It’s Showtime hosts ang babalang ito.
Ayon kay Amy Perez, huwag basta maniniwala sa fake accounts at fake announcements. Ang official social media accounts ng It’s Showtime at ABS-CBN ay verified at may blue check.
Sabi pa ni Vice Ganda, “Basta ang suma, wala po kaming hinahanap na Girltrends. Kaya kung may nagpapakuha, huwag kayong mag-a-apply, lolokohin kayo!”