Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sanya Lopez Gabby Concepcion

Sanya pumiyok honeymoon ‘di kasama sa script

RATED R
ni Rommel Gonzales

UMAMIN sina Sanya Lopez at Gabby Concepcion na wala sa original script ang teaser ngFirst Lady na makikitang nagha-honeymoon ang kanilang mga karakter nilang sina Melody at President Glenn Acosta.

Kuwento ni Sanya sa report ni Lhar Santiago sa 24 Oras, idea ng kanilang direktor na si L.A. Madridejos ang nasabing eksena.

Si Direk LA ang nagdagdag talaga niyon (honeymoon). Siyempre, after ng kasal, ang mga tao nakaabang kung anong mangyayari kay President Glenn at Melody. So, dapat nilang abangan ‘yun dahil talagang nakatatawa, nakakikilig,” ani Sanya.

Bukod sa honeymoon nina Melody at President Glenn, dapat ding abangan sa First Lady ang mga bagong karakter na ginagampanan nina Alice Dixson, Isabel Rivas, Francine Prieto, at Samantha Lopez.

Dagdag ni Sanya, “Mabilis naman kami, kumbaga, naging close agad. So, mabilis din silang pakisamahan. ‘Yung mga akala namin na hindi hindi namin pwedeng biruin, nakakabiro po naming lahat.”

Ayon naman kay Gabby, dapat abangan ng mga tao kung ano-ano ang magiging papel ng mga bagong karakter sa buhay nina Melody at Glenn bilang mag-asawa.

Aniya, “‘Yung mga bagong pasok, very significant ‘yung role nila. In fact, sa mga week na darating, sila ‘yung aangat dito, kasama si Alice, maganda ‘yung role niya rito.”

Mapapanood ang First Lady, ang sequel sa number 1 program ng 2021 na First Yayasa February 14 sa GMA Telebabad.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …