Tuesday , November 19 2024
Dexter Doria Nana Didi

Dexter Doria nairita sa fake news Nana Didi susuweto sa maling impormasyon 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI na kinaya ng beteranang aktres na si Dexter Doria ang lumalalang paglaganap ng fake news at maling impormasyon sa social media kaya naman pinasok na rin niya  ang vlogging bilang parte ng kanyang hangaring malabanan ito.

Unang ginawa ni Dexter ang karakter ni Nana Didi na 43 taon nang nagtrabaho bilang public school teacher bago nagretiro at tumayong yaya ng kanyang mga apo.

Naapektuhan si Nana Didi ng mga maling post/paniniwala ng mga dati niyang estudyante sa social media, kaya agad siyang nag-vlog. Ang usapin ay ukol sa sinasabing Tallano gold, ‘golden years of Martial Law.’ 

Happily retired na ako, hanggang nakita ko ‘yung mga post ng mga dati kong estudyante. Aba, parang hindi ko naturuan!”  medyo mainit ang ulong sambit ni Nana Didi.

“So naisip ko mag-DDS… Not that kind. DIDI as in Didiserye. That’s me na gagawa ng serye para mamulat ang kanilang mga mata,” giit niya.

Sa kanyang bagong vlog, tinalakay ni Nana Didi ang Tallano gold, na umano’y pag-aari ng Tallano family ng Maharlika Kingdom, na nangyari bago pa sakupin ng mga Kastila ang Pilipinas.

“Noong tinuturuan ko kayo ng world at Philippine history, wala akong naaalalang binanggit tungkol sa Tallano o Maharlika Kingdom. ‘Yang lesson natin today!” ani Nana Didi.

Ayon sa mga sinasabi sa social media, kinuha ng ilang miyembro ng Tallano family ang serbisyo ng yumaong diktador na si Ferdinand Marcos bilang abogado at binayaran siya ng 192,000 tonelada ng ginto na umaabot sa $4 trilyon.

“Sobra-sobra naman itong ginto ni Apo Lakay. Sumobra pa sa bilang ng total na ginto sa buong mundo!” sambit ng guro at nagsabing ang buong mundo ay mayroon lang kabuuang 200,000 toneladang ginto.

Batay sa pahayag ng mga tagasuporta ni Marcos, ang nasabing ginto ay ipamimigay sa mga Filipino kapag nanalo ang kanyang anak na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang pangulo sa 2022.

At paano ka naman maniniwala rito? Si dayunyor nga eh, ayaw magbayad ng taxes. At ‘yung nanay, convicted sa pagnanakaw!” wika ni Nana Didi.

Tapos aasa ka na mamimigay ng ginto o pera ‘pag nanalo? Ang Ilocos nga hindi niya maiahon… ikaw pa ba ang bibigyan ng pera? Ng ginto?” dagdag pa niya.

Tinalakay din ni Nana Didi ang tinatawag na confirmation bias, o ang ugali ng isang tao na maghanap o magbasa ng impormasyon na sumusuporta sa kanyang paniniwala at pag-uugali.

Lalong tumitibay ang confirmation bias. Kaya dapat kilalaning mabuti ang sarili at kilatisin ang mga info na ibinaba. Hindi paninira ang pagsasabi ng totoo,” wika pa ni Nana Didi.

Tinalakay din ni Nana Didi sa kanyang vlog ang ibinibida ng ilang mga tagasuporta ni Marcos na ang Martial Law period ay itinuturing na “golden years” ng bansa.

Ang naka-post sa social media, sabi raw ng kanilang mga lolo at lola, maayos na maayos ang Pilipinas noong panahon ni Ferdinand Marcos. Libre raw ang tubig at koryente. Disiplinado raw ang mga Filipino. Sagana ang buhay,” aniya.

Ngunit kinontra niya ito sa pagsasabing lumobo ang utang ng bansa sa $28.3 billion mula sa $360 million noong 1962 bago napatalsik ang diktador.

Libreng koryente ba ‘ika mo? ‘Di totoo. ‘Yung sinasabing Bataan Nuclear plant na nagkakahalaga ng $2.3-B ay hindi man lang nabuksan dahil mali ang pagplano at mapanganib sa kalusugan,” sabi pa ni Nana Didi.

Idinagdag pa niya na nagbulsa umano ang mga Marcos ng $10-B at pinalakas ang “crony capitalism” sa ilalim ng kanyang pamumuno, na marami sa kanyang mga kaibigan ay nagbulsa raw ng malalaking kontrata nang walang bidding.

“Sinabi nga ba ni Lola na mura ang mga bilihin noon? Ang totoo? ‘Yung inflation noong 1984 ay umabot ng 50 percent, at pahirapan pa ang mga bilihin,” paglilinaw niya.

Kaya naman pinayuhan  ni Nana Didi ang publiko na huwag paniwalaan ang lahat ng  nababasa online at kailangan muna nila itong bepirikahin.

Magmula ngayon, maniwala lang kapag napatunayang totoo. Sundan ninyo ang DidiSerye para malaman ang totoo sa peke at ‘wag magpagoyo,” wika niya.

Pinuri naman ng mga kapwa artista si Nana Didi at ibinahagi pa ang kanyang ‘Didi Serye’ vlogs sa kani-kanilang social media pages, kabilang ang mga aktres na sina Pinky Amador at Rita Avila, Arman Ferrer, Mark Escuetang Rivermaya, at Bart Guingona.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MTRCB Tara, Nood Tayo Lala Sotto

MTRCB, PCO, PIA, at OES nagkasundo sa pagsusulong ng Responsableng Panonood

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ILULUNSAD ng ilunsad ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) …

Edu Manzano Shaina Magdayao Kim Atienza

Batas vs piracy paigtingin, Pinoy nahaharap sa matinding panganib (Edu, Kuya Kim, Shaina nagpahayag ng suporta)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAS mataas ang mga cyberthreat na haharapin ng mga Filipino …

Miss Universe crown

Crown sa Miss Universe gawa ng Pinoy

I-FLEXni Jun Nardo KAHIT hindi manalo bilang Miss Universe ang pambato ng bansa na si Chelsea Manalo, panalo …

Roderick Paulate Mga Batang Riles

Roderick balik-GMA, ABS-CBN masikip na sa 2 Rhoda

I-FLEXni Jun Nardo NATUWA naman kami nang makita si Roderick Paulate sa trailer ng coming GMA series na Mga Batang …

Tom Rodriguez

Tom walang issue ang pagkakaroon ng anak

HATAWANni Ed de Leon INAMIN na ni Tom Rodriguez na may anak na siyang lalaki na apat …