Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rhea Tan Darren Espanto Beautederm

Rhea Tan excited nang mag-presscon uli at maglunsad ng bagong endorsers

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

NABALITAAN ng Beautederm CEO and President na si Rhea Anicoche Tan na ibinaba na sa Alert Level 2 ang NCR simula ngayong February 1 kaya naman excited siya dahil pwede na ulit ang face to face presscons para sa launching ng bagong Beautederm ambassadors at endorsers ngayong 2022.

Bago ang lockdown at pandemya noong March 2020 nagkaroon pa ng face to face presscon para sa Beautederm launch ni Darren Espanto. Matagal ding hindi nag-presscon ang Beautederm, hanggang noong Nobyembre 2021 nang lumuwag ang restrictions ng pamahalaan muling bumalik sa face to face presscons ang Beautederm nang ilunsad sina Andrea Brillantes at Maja Salvadorbilang ambassadors ng Beautederm Reiko and Kenzen Health Boosters. Isinabay pa ito sa birthday celebration ni Miss Rhea. Nasundan pa ito noong December 2021 ng launching ni Jelai Andres bilang endorser din ng naturang produkto ng Beautederm. Hanggang sa naghigpit na naman ang pamahalaan dahil sa pagtaas ng COVID-19 cases.

Timing nga ang paglunsad ng Beautederm ng Reiko and Kenzen Health Boosters ngayong pandemya na kailangan nating pahalagahan ang ating kalusugan.

Ayon kay Miss Rhea, “Maraming naituro ang pandemic sa atin – that we should be grateful for all the many blessings God continues to shower to all of us, na mahalaga ang pamilya, at dapat nating alagaan ang ating kalusugan. We need to boost our immune system and take care of not just of our bodies but also our minds as well. Ang REIKO and KENZEN Beautéderm Health Boosters ang aking maliit na contribution para siguraduhin ko na nasa tamang kalusugan ang lahat.”

Kung si Francine ay may payo sa mga kabataan, ang isa sa Beautederm Health Boosters ambassador na si Andrea ay nagbigay din ng payo sa mga kabataan ngayong pandemic.

Ang masasabi ko social media detox can really help. Kasi minsan hindi natin alam kung gaano na tayo naapektuhan ng social media lalo na palagi lang tayo nasa bahay, nasa room, wala tayong magagawa kundi mag-TikTok at mag-social media. But we can work out. We can read books. We can talk more to our family and friends. We can create new hobby, we can play any instruments,” sabi ni Andrea.

Dagdag pa ni Andrea, siyempre kailangan ding pangalagaan at pahalagahan ng mga kabataan at nating lahat ang ating kalusugan. Lalo na nga’t naranasan din ng young actress na magkaroon ng COVID-19. Kaya malaking tulong ang pag-inom ng health supplements at immune boosters.

Excited na rin ang mga press sa bagong ambassadors at endorsers na ilulunsad ng Beautederm ngayong 2022. At siyempre para makasama ulit sa face to face presscons si Miss Rhea na ibang klaseng magmahal at magpahalaga sa mga press. 

Hindi nakakalimot magbigay ng regalo sa mga press si Miss Rhea sa tuwing may espesyal na okasyon gaya na lang ngayong Chinese New Year na nagbigay siya sa mga press ng special tikoy, Beautederm Slender Sips Coffee, at Beautederm Etre Clair Mouthwash.

Thank you very much Miss Rhea and Beautederm!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

Araneta City

Christmas Happenings in Araneta City (Dec. 18 to 24, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …