Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Maricel Soriano

Maricel pumirma na ng kontrata para sa US romcom Re Live

HATAWAN
ni Ed de Leon

PUMIRMA na sa kontrata at totoo palang si Maricel Soriano ang first choice nila para gumanap na nanay ng main character sa pelikulang Re Live, na isang romcom. Hindi iyan tsismis lang kagaya noong iba na kung kailan hindi natuloy at saka sinabing kasali siya dapat sa pelikula, dahil noong una pa lang inilabas na iyan ng Variety Magazine on line bago pa man pinirmahan ni Maricel ng kontrata. 

At may kontrata ha, hindi gaya ng iba na sinabihan lang sa kung sino kaya naman napakabilis ding napalitan.

Marami tayong mga artistang nanalo na rin naman ng mga award pero kahit na sa mga awardee na iyan ilan lang ang itinuturing na mahuhusay na aktres. Kabilang diyan si Maricel. Iyong iba naman kasi, hindi mo maikakaila na siguro “nakabili lang ng awards.” Marami namang awards for sale ngayon. Nakahihiya na nga lang isa-isahin.

Pero tuloy na si Maricel ha, at ang shooting daw ay on location sa Guam at Hawaii. Iyan ang sinasabi naming, “Off-Hollywood” film ang tawag diyan. Independent film producer ang gagawa niyan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …