HATAWAN
ni Ed de Leon
NABUKING ng kanyang “sponsor” ang isang baguhang model na lumalabas-labas na rin sa telebisyon dahil sa isang lumang-lumang social media post. Doon sa isang lumang chat group na ewan naman kung bakit nakita pa ng informant, ang newcomer ay depressed na depressed at sinabing, “hindi ko akalaing ganoon siya dahil minahal ko naman siyang totoo at lahat ibinigay ko sa kanya.” Ang pinag-uusapan ay isang poging bagets din gaya nila noon na sumama sa isang rich gay at iniwan ang baguhang model.
Nang makita iyon ng “sponsor” na-confirm ang matagal na rin niyang hinala na ang newcomer na pinagbubuhusan niya ng panahon at kadatungan din ay isa rin palang”greenblooded citizen,” iniwan na niya agad iyon. Masakit din naman ang natatanso.