Tuesday , November 19 2024
Vilma Santos

Ate Vi humiling ng dasal para sa mga Batagueño

HATAWAN
ni Ed de Leon

TUMAAS ng hanggang 90 talampakan ang usok na ibinuga ng bulkang Taal noong Sabado na sinabayan din ng ilang volcanic earthquakes, na siyang dahilan kung bakit mabilis na lumikas ang ilang pamilya na naninirahan na naman sa volcano island kahit na nga sinabing iyon ay isa nang permanent danger zone.

Naku huwag naman po muna. Bagsak na bagsak na tayo dahil sa covid, ewan kung ano pa ang mangyayari kung masasabayan pa kami ng panibagong eruption ng Taal. Noong pumutok ang Taal, hilahod na kami sa ekonomiya, nasundan pa ng dalawang taong lockdown, talagang hirap na ang probinsiya. Humahanga na nga ako sa kanila dahil napapanatili nilang matatag ang kalagayan niyon sa kabila ng mga problema, pero ewan ko kung kakayanin pa kung may panibago na namang disaster.

“Iyon namang mga nakatira sa volcano island, governor pa ako ng Batangas kinukumbinsi na namin sila mag-relocate. Kung gaano kalaki ang lupa nila sa volcano island ganoon din naman ang paglilipatan sa kanila. Mayroong nakumbinsi, mayroon din namang ayaw. Ang katuwiran nila roon na sila ipinanganak at sanay na sila kung pumutok man ang Taal. Hindi naman kanila ang lupa, ang hawak lang nila ay rights. Pero nakasanayan na nila roon, at isa pa, hindi nga maikakaila na mataba ang lupa sa mismong volcano island. Marami rin silang nakukuhang isda dahil nasa gitna na sila at hindi na nahaharangan ng mga fish pen. Pero talagang delikado roon kaya kinukumbinsi namin silang umalis na.

Pero iyon nga, kukumbinsihin mo ang mga tao, hindi mo sila puwedeng pilitin,”sabi ni Ate Vi (Congw. Vilma Santos).

Inamin din naman ni Ate Vi na lagi silang handa.

Sa Lipa, sinasabi naman ni mayor na lagi kaming handa, hindi man para sa amin dahil hindi naman kami agad apektado ng Taal, pero handa kaming tumulong sa mga apektadong bayan. Doon sa aming bahay sa Lipa, kung saan nandoon din ang aming district office lagi ring handa ang ating mga tauhan na tumulong sa relief at rescue operations kung kailangan. May abiso na rin naman ako sa lahat ng kompanya ng mga produktong ine-endoso ko, na kung may aberya sa Batangas o kung saan man kakailanganin, ako na ang humihingi ng tulong sa kanila. Mababait naman silang lahat dahil hindi pa ako nakahigingk,naroroon na agad ang kanilang ibibigay.

Gayunman, sana huwag naman. Tulungan ninyo kaming magdasal dahil mahihirapan na kami sa Batangas kung may darating pang kalamidad,” dagdag ni Ate Vi.

About Ed de Leon

Check Also

MTRCB Tara, Nood Tayo Lala Sotto

MTRCB, PCO, PIA, at OES nagkasundo sa pagsusulong ng Responsableng Panonood

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ILULUNSAD ng ilunsad ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) …

Edu Manzano Shaina Magdayao Kim Atienza

Batas vs piracy paigtingin, Pinoy nahaharap sa matinding panganib (Edu, Kuya Kim, Shaina nagpahayag ng suporta)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAS mataas ang mga cyberthreat na haharapin ng mga Filipino …

Tom Rodriguez

Tom walang issue ang pagkakaroon ng anak

HATAWANni Ed de Leon INAMIN na ni Tom Rodriguez na may anak na siyang lalaki na apat …

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …