Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jillian Ward Miggs Cuaderno Elijah Alejo

Miggs Cuaderno kaliwa’t kanan ang projects, tiniyak na kaabang-abang ang Prima Donnas-2

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANG talented at award-winning na teen actor na si Miggs Cuaderno ay patuloy sa paghataw ang career. Sa ngayon, bukod sa Prima Donnas Book-2, sunod-sunod ang proyekto ng dating child star.

Mapapanood si Miggs sa pelikulang Deception na palabas na ngayong January 28 sa Vivamax Original Movie mula kay Direk Joel Lamangan. Ito ay isang drama-mystery film na pinagbibidahan nina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez.

Gumaganap dito si Miggs bilang anak nina Claudine at Mark Anthony.

Nabaggit niya ang iba pang dapat abangan sa kanya. “Aside po sa Prima Donnas, palabas din po sa Februrary itong Regal Studio Presents: Yaya Mila, kasama ko po rito si Ms. Pokwang.

“Siyempre po, still streaming ang movie naming Magikland sa Netflix po. Kaya sa mga bata, if walang ginagawa, sana ay mapanood nila ito.”

Sa Book 2 ng Prima Donnas, ang mga kasama niyang batang aktres ay ang lalaki na ngayon, na tulad niya. Ano ang reaksiyon niya rito?

“Sa Prima Donnas Book 2, tama po kayo na malaki na po kaming lahat, pero kapag nagkakasama-sama kami, parang ganoon pa rin po at walang pagbabago.

“Kasi po, kahit hindi kami nagkikita-kita ay ganoon yata talaga ang tunay na magkakaibigan, parang walang nagbabago… kahit na matagal o sandali lang po kaming hindi nagkikita-kita. Ganoon pa rin po kami, close pa rin po kami sa isa’t isa talaga.”

Nabanggit din ni Miggs na nami-miss niya ang mga ginagawa nila noong naka-lock-in taping pa sa seryeng ito ng GMA-7.

Aniya, “Na-miss ko po ang mga kaibigan ko, lalo na sina Will Ashley… kasi sabay-sabay kami naggi-gym kapag hapon or gabi. Lalo na po kapag wala kaming taping that day, lagi po kaming naggi-gym para fit at iwas sa sakit.

“Nakaka-miss po yung sabay-sabay kaming bababa at kukuha ng food, kuwentuhan, tawanan… Sila Jillian Ward, Elijah Alejo, ate Eunice Lagusad, sila Will nakakatawa, kasama at kakuwentuhan. Sina Sofia Pablo, Althea Ablan, Allen Ansay, Vince Crisostomo, Julius Miguel, Bruce Roeland, nakaka-miss, kasi tinuturuan nila ako ng mga program para mas lalong lumaki ang aming mga muscles, bale mga gym buddies ko rin po sila.

“Iyan ang mga nakaka-miss sa kanila, pati ang pagti-Tiktok namin at mga walang katapusang kuwentuhan at tawanan,” masayang saad pa ni Migs.

May pagbabago bang makikita sa role niya rito?

“Opo, may pagbabago sa character ko rito, kaya sana po ay abangan nila si Coco,” matipid na saad pa ni Miggs.

Paano niya ide-describe ang Book 2 ng kanilang nagbabalik na serye?

Sagot niya, “Sa Prima Donnas Book 2, ipinapakita po ang pagiging malapit at isang pamilya, na kahit anong pagsubok ang dumating ay hindi masisira ng kahit anong pagsubok ang matatag na nagmamahalan na pamilya. At ipinapakita rin po rito ang mga mabubuong pagkakaibigan.”

Bukod sa mga young stars na ito, tampok din sa Prima Donnas sina Aiko Melendez, Katrina Halili, James Blanco, Benjie Paras, Sheryl Cruz, Chanda Romero, Angelika Santiago, at Wendell Ramos.

Ito’y mula sa pamamahala nina Direk Gina Alajar at Direk Philip Lazaro.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, aprub anim na banyagang pelikula

APROBADO sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang anim na pelikulang ipalalabas …

Alex Castro Sunshine Garcia

Bulacan VG Alex Castro nagpasalamat sa suporta ng fans sa SexBomb, nakatutok pa rin sa problema sa Prime Water

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Bulacan Vice Governor Alex Castro sa binigyan ng …