SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
HINDI maitago ni Korina Sanchez-Roxas ang aliw nang magtungo sa farm ng presidential aspirant Ping Lacsonkamakailan.
Ibinahagi ng TV host-journalist ang pakikipag-bonding niya kay Sen. Ping sa farm nito sa kanyang Instagram account na kitang-kita ang saya sa mga ibinahaging pictures.
Ibinahagi ni Korina ang bonding nila ni ex-PNP Chief general, drug buster, anti-corruption senator sa bahay kubo gayundin ang pamimitas ng kalabasa at letsugas, at pamimingwit ng isda.
Pero ibinuking ni Korina na ibinalik din nila ang mga nabingwit na isda sa tubig.
Ani Korina, refreshing makipagkuwentuhan kay Ping. “Refreshing makipagkuwentuhan sa isang personalidad na halos kasabayan ko bilabg journalist habang siya naman kabagsikan ng kanyang pagiging astig boss ng kapulisyahan.”
Ilang dekada rin ng interbyuhan ang namagitan sa kanila na ngayon ay isa pang magsasaka. “We both saw history unfold, and this country go forward backwards and sideways.”
Hindi pa roon natapos ang saya ni Korina, na-excite rin siya sa pabaon ng senador na kapeng barako, banana cue, at sapin-sapin.