NAKAUSAP ko si Sean de Guzman lately in a serious note. Totoo palang miss na miss na rin niya ganoon din si Marco Gomez ang pagsayaw o pagpe-perform sa mga out of town show.
Ayon kay Sean, it’s been two years na hindi sila nakakapag-show kaya idinadaan na lang nila ni Marco sa Tiktok ang kanilang pananabik.
Simula kasing rumatsada si Sean sa paggawa ng movies after siyang mailunsad sa pelikulang Anak Ng Macho Dancer ay nagsunod-sunod na ang kanyang projects kasabay ng kanyang pagpirma sa Viva Artist Agency.
Nabalitaan ko rin ang isang series sa Viva na mukhang masusungkit na naman ni Sean.
Okey lang ‘yan Nak. Malapit naman na ang kampanya kaya relax ka lang. Goodluck lucky boy ng 316 Events And Talent Management ni Len Carrillo. (Dominic Rea)