MATABIL
ni John Fontanilla
LOCKDOWN ngayon sa Japan dahil sa pagtaas ng kaso ng Covid 19 dahil sa Omicron virus kaya naman nakapagpahinga ng bahagya ang International Pinay singer na si Jos Garcia sa kaliwa’t kanang show niya roon.
During the time kasi na ‘di pa lockdown sa Japan ay sunod-sunod ang shows at guestings ni Jos sa iba’t ibang sikat na bars and hotels sa sa Japan, kaya naman naapektuhan kahit paano ang singer na naantala ang ibang mga naka-line-up niyang shows.
Noong nakaraang taon at kasagsagan ng Covid pandemic ay hataw sa dami ng shows si Jos, bukod sa nag-release ito ng ilang kanta kasama ang isang Christmas song. Abala rin ito sa guestings sa mga virtual show.
Last year din ay umani ito ng papuri at parangal sa ilang award giving bodies. Nagkaroon din ito ng sariling on line show sa Channel 31.
This year nga ay nagbabalak magbakasyon sa Pilipinas silJos para sa promotion na rin ng kanyang new song at magkaoon ng konsiyerto para sa kanyang mga supporter.