Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Francine Diaz ASAP Natin 'To

Francine trending ang birthday prod sa ASAP

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

BONGGA ang solo production number ni Francine Diaz sa ASAP Natin ‘To nitong Linggo, January 23, para sa kanyang nalalapit na 18th birthday sa January 27. Nag-trending nga sa Twitter ang FRANCINE CelebrEIGHTEEN OnASAP.

Pagkatapos ng kanyang birthday prod ay tinanong si Francine ng ASAP hosts na sina Robi Domingo at Kim Chiung kanyang wish para sa kanyang kaarawan.

Ako po, sa totoo lang, birthday wish ko po talaga na maging healthy na ang world at wala nang magkakasakit sa atin,” sabi ni Francine.

Secret” naman ang sagot niya nang matanong ang kanyang personal wish.

Nagbigay na lang ng mensahe ng pasasalamat si Francine para sa kanyang fans at supporters. “Siyempre po una pa lang sinasabi ko na po ‘to, hindi sapat ‘yung 100 times na thank you dahil simula pa lang nandiyan na kayo para sa akin at hanggang ngayon. Kaya maraming-maraming salamat! Mahal na mahal ko kayo!”

Nagpaabot din ng pagbati through video message ang celebrity friends ni Francine gaya nina Anji Salvacion, Ella Nympha, at Sam Cruz. May birthday message rin para sa kanya ang family and friends niya.

Dumagsa naman ang mga papuri kay Francine sa Twitter. Gaya ng tweet ni @luvincarrel, “she slayed the stage once again.”

Sabi pa ni @tashadiane_p, Cant believe this sweet, innocent and pretty girl that we first laid our eyes on Kadenang Ginto will be turning Eighteen in a few days. We love you @francinecarreld!!”

Samantala, napansin din ng netizens na going solo na talaga si Francine. Lalo na’t ilu-launch na siya bilang solo star sa pagbibidahan niyang seryeng Bola-Bola. 

Tweet nga ni @wintercarrel, “ASAP really did emphasize Francine going SOLO now. Closing chapters, and starting to live her life to the fullest. We love you so much, Francine. Team Francine is always here to support you all the way”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …