Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alden Richards ForwARd Meet Richard R Faulkerson Jr

Alden nagbahagi ng masayang experience ng kanyang US vacation

RATED R
ni Rommel Gonzales

NITONG Biyernes, January 21, muling napanood sa Mars Pa More ang Asia’s Multimedia Star na siAlden Richards at may mga baon siyang kuwento mula sa kanyang US vacation noong nakaraang holiday season.

Sa segment na Sa Mars Pa More Ka Na Magpaliwanag, nagkuwento si Alden tungkol sa mga social media photos ng kanyang US vacation kamakailan.

Ayon kay Alden, ang larawan niyang kumakain ay kinunan sa paborito niyang restaurant sa Santana, California.

I keep on going back to that restaurant po kasi masarap ‘yung hot chocolate riyan, eh. At saka riyan din po ako pumunta noong unang punta ko po sa lugar na ‘yan.”

Dagdag pa niya, kahit may Omicron surge din sa US, may mga safety protocols namang sinusunod kaya naging maingat sila habang namamasyal o kumakain.

Puwede kang hindi na mag-mask sa labas, pero ‘pag enclosed establishments, dapat naka-mask ka kasi hindi ka papapasukin.”

Nagkuwento rin si Alden tungkol sa first time niyang mag-drive ng kotse mula sa American manufacturer na Tesla, na kilala sa kanilang electric cars.

Wala po siya sa plano–to rent a car. Actually, it’s just a rental car,” ani Alden. 

It’s an electric car po kasi, ‘yang Tesla. Very common na po siya sa US and I haven’t driven a Tesla before. So, sinubukan ko pong mag-rent for a couple of days and then ‘yan po ‘yung ginamit naming pang-ikot sa California.”

Ayon pa kay Alden, ang larawan niyang nagkakape habang nakasakay sa Tesla ay kinunan ng kanyang tiyahin noong sila ay nasa Twin Peaks, isang elevated area sa San Francisco na isa ring tourist attraction.

Nagkuwento rin si Alden tungkol sa kanyang nalalapit na concert na ForwARd: Meet Richard R. Faulkerson, Jr.

It’s a benefit concert po for AR Foundation, and AR Foundation po is a foundation that was put for scholarships po. Nagga-grant po tayo ng scholarships sa mga bata,” kuwento ni Alden. 

So, all the proceeds po from the concert will go directly to the foundation, for future scholars po for 2022 onwards.”

Nagpasalamat din si Alden sa lahat ng bumili na ng kanilang tickets para sa ForwARd: Meet Richard R. Faulkerson, Jr.

Sa lahat po ng bumili na ng tickets, thank you so much. Sa January 30 po ‘yan, 8:00 p.m,” ani Alden.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …