Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
DJ Jay Machete Kakai Bautista Sanya Lopez

Kakai Bautista, nang-bash ng DJ dahil sa blind item

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANG mga netizens ay napa-sana all lang naman kay Kakai Bautista at Sanya Lopez. Iba kasi ang friendship nila.

Rumesbak kasi si Kakai sa radio DJ na si Kuya Jay Machete ng Win Radio matapos i-blind item si Sanya sa show nito. Laman nang nasabing blind item, “Panay ang text ng aktres habang nasa set kaya napa-walk out ang direktor!”

Kaya naman napa-screen record ng content ang female comedian at binato ng sarcasm ang host sa kanyang caption. “Sino itong…. Sino itong… SINO? Kuya Jay Machete, nakaka-proud ka naman. Nakahanap ka ng marangal na paraan para kumita at magkaroon nang maraming followers ngayong pandemya, habang ang lahat ay tumitindi ang MENTAL HEALTH problem, ETO KA, NAKAKATULONG. “Pengeng 500,” bahagi ng sarcastic caption ni Kakai bilang pagtatanggol kay Sanya.

But wait, there’s more. I-pinost din kasi ng nasabing DJ ang screenshot ng sarcastic post ni Bautista at ginantihan din ng sarcasm, “Ganyan talaga ‘pag maganda,” patama nito sa comments section. At si Kakai, hindi nagpa-awat, napa-comment ng halakhak!

“Iba rin naman makipag-sagutan si Kakai para sa kaibigan niya.” “Sinugod din ako niyan sa wall ko when I commented about some issue.” Ilan sa comments ng netizens sa naging palitan ng sarcasm ng comedian at DJ.

May nagtanggol din naman kay Sanya saying, “Even though Sanya Lopez is text nang text, she’s still doing great at acting.”

May mga naaliw pero may ilang nagtatanong, “Bakit mas affected pa siya sa mismong na-blind item at fans nito?”

Sa huli, mukhang isinara ni Kakai ang issue with her latest post on Facebook saying, “Huwag niyo na stress ang mga sarili niyo sa mukha ko at ugali.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …