Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andrea del Rosario Jay Manalo

Andrea del Rosario at Jay Manalo, tampok sa Wish Ko Lang ngayong Sabado

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NGAYONG Sabado ay tampok sina Andrea del Rosario at Jay Manalo sa episode ng Wish ko Lang ng GMA-7 na pinamagatang Kumpare.

Huwag palampasin ang natatanging pagganap nina Andrea, Jay, Lucho Ayala at Pepita Curtis sa Wish Ko Lang: Kumpare, ngayong Sabado, 4 PM sa GMA-7.

Mula nang mamatay ang unica hija nina Rowena (Andrea) at Greco (Jay), nakaranas sila ng matinding lungkot. Umabot pa sa puntong nagalit si Greco sa Diyos.

Halos masiraan na ng bait si Greco, kaya naisipan niyang sundin ang payo na bumili ng manika at alagaan ito na parang anak. Imbes na makabuti ay pinalala lang nito ang sitwasyon dahil tila totoong sanggol na ang trato niya sa manika.

Umabot pa sa puntong palayasin niya ang kanilang kasambahay (Pepita) nang makita niyang tinatahi nito ang manika.

Desperada na si Rowena kaya naisipan niyang lumapit sa kumpare nilang si Niño (Lucho). Ano kaya ang hihilingin niya sa kaibigan? Makatulong naman kaya si Niño?

Inusisa namin si Ms. Andrea kung ano ang role niya rito?

Tugon ng dating Viva Hot Babe, “My role is Rowena, married to Jay Manalo as Greco, nabaliw siya nang namatayan kami ng anak… And dahil sa kalungkutan at desperation kaya hinayaan ni Rowena na magka-anak sa kaibigan nyang si Niño (Lucho).”

Kamustang ka-work sina Jay at iba pang nasa casts?

“Jay is an amazing actor, same with Lucho. Nakaka-inspire mag-work, if you are with actors with the same passion sa acting,” nakangiting esplika pa ni Ms. Andrea.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …