Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Heart Evangelista Leni Robredo Nadine Lustre

Netizens kumbinsidong ‘kakampinks’ sina Heart, Nadine

WALANG dudang Kakampinks sina Heart Evangelista at Nadine Lustre.

Ito ang nagkakaisang paniwala ng mga netizen matapos mag-post ang dalawa tungkol kay Vice President Leni Robredo sa kani-kanilang social media accounts.

Sa kanyang Instagram account, nag-post ng video si Evangelista na nagsusukat ng mga pink na damit na sinamahan niya ng caption na, “On Wednesdays we wear pink.”

Ang pink ay inuugnay kay Robredo, na ang mga supporter ay kilala sa tawag na “Kakampinks.” Nagsasagawa rin ang mga supporter ni Robredo ng iba’t ibang aktibidad at nagsusuot ng pink tuwing Miyerkoles.

Yessss!!! Kakampink. Oragon talaga ika Heart,” komento ng Instagram user na si @gemma_adventure.

“#kakampink tayo,” dagdag naman ng Instagram user na si @francesmayr.

Sa kanyang parte, nag-post si Lustre ng larawan ng mural ni Robredo sa Leni-Kiko Volunteer Center sa Katipunan Avenue, Quezon City.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagpahayag si Nadine ng suporta kay Robredo, ngunit ito ang una niyang post ukol sa Bise Presidente sa kanyang social media account.

Sa gitna ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 dahil sa Omicron variant, nagbigay si Robredo sa mga Filipino ng libreng testing, telemedicine at COVID-19 kits.

Nang humagupit ang Typhoon Odette sa ilang bahagi ng bansa kamakailan, si Robredo ang unang personal na bumisita at nagbigay ng relief goods at ltulong sa mga lugar na naapektuhan. Nagsimula rin siya ng donation drive para sa mga apektadong residente at nangakong tutulong sa pagsasaayos ng nasirang mga lugar.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …