Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Madam Inutz Daisy Lopez

Madam Inutz nami-miss si Big Brother

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

AMINADO si Madam Inutz na miss na miss na niya si Kuya o Big Brother. Isa si Madam Inutz sa naging celebrity housemates sa Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10.

Siyempre siya ‘yung talagang naging tatay namin sa loob ng bahay kaya sobrang miss na miss ko na rin siya. At saka siyempre ‘yung bahay talaga ni Kuya bumuo kami ng isang pamilya roon kaya talagang hindi ko makakalimutan. Maraming good memories talaga kasama ng mga housemate,” sabi ni Madam Inutz sa interview niya sa programang Sakto ng TeleRadyo.

Hindi man siya napabilang sa Top 2 celebrity housemates, na nakamit nina Alyssa Valdez at Anji Salvacion, malaki pa rin ang pasasalamat ni Madam Inutz kay Kuya sa mga aral na naibahagi nito sa kanya.

Ang itinuro po sa akin ni Kuya ay maniwala at magtiwala sa kakayahan mo. Kasi tayo minsan nakararamdam na parang pasuko ka na. Kasi siyempre sa dami ng problema, responsibilities sa buhay ay nakararamdam ka ng pagod. Pero ipina-realize sa akin ni Kuya na wala kang dahilan para mapagod, wala kang dahilan para sumuko kasi nga marami ang umaasa sa akin,” ani Madam Inutz.

Sa kasalukuyan, abala siya sa pagre-record ng mga bagong kanta. Natapos na niyang i-record ang bagong awiting ilalabas niya na may titulong Marites. Apat na kanta pa ang nakatakda niyang i-record.

Hanggang ngayon hindi pa rin makapaniwala si Madam Inutz na isa na siyang recording artist. Bago siya pumasok sa PBB ay na-release niya ang first single niyang Inutil.

Sa akin nga po hindi ko inaakala kasi siyempre sa edad ko at hindi rin po ganoon kaganda ‘yung boses ko pero nagpapasalamat ako na patuloy akong tinatangkilik ng mga supporter ko. Kaya ginagawa ko rin po ang best ko para mapasaya ang mga taong sumusuporta sa akin.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Glen Sibonga

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …