Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Maria Ozawa Jose Sarazola

Chef Jose at Maria ‘di kinaya ang LDR kaya naghiwalay

RATED R
ni Rommel Gonzales

AMINADO si Chef Jose Sarasola na hindi nila kinaya ng Japanese celebrity na si Maria Ozawa ang long-distance relationship kaya sila naghiwalay.

Sa panayam ng Kapuso Showbiz News, sinabi ni Jose na noong nakaraang Disyembre sila nagka-usap ni Maria at nagkasundo silang maghiwalay na muna.

Tanging ang miyembro lang ng pamilya at ilang malalapit na kaibigan ang nakaalam ng kanilang paghihiwalay.

Sadya raw niyang itinago muna ang breakup kay Maria dahil ayaw niyang malungkot nang labis lalo na’t selabrasyon ng Pasko at Bagong Taon.

Pero nang nagtatanong na rin ang iba niyang kaibigan tungkol kay Maria, napilitan na siyang ikuwento ang nangyari sa kanila ng dating nobya.

Ayon kay Jose, halos dalawang taon din nilang nilabanan ni Maria na nasa Japan ang LDR, at apat na taon na tumagal ang kanilang relasyon.

Napatunayan ni Jose na hindi madali ang LDR kaya saludo siya sa mga magkarelasyon na nasa ganitong kalagayan.

For those who still have LDR relationship saludo ako. Kasi talagang sobrang hirap, sobrang challenging. Continue lang ‘yung communication kasi kapag nawala, roon magko-cause talaga ng mga problem,” ayon kay Jose.

Sa ngayon, wala pa munang balak si Jose na pumasok sa bagong relasyon at nais niyang tutukan muna ang negosyo at career.

Napapanood si Jose sa Eat Well. Live Well. Stay Well. ng Ajinomoto sa GMA tuwing Biyernes bago ang Eat Bulaga!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …