HATAWAN
ni Ed de Leon
PARANG walang anuman kina Paolo Gumabao at Vince Rillon ang kuwentuhan tungkol sa kanilang naging halikan sa pelikula nilang Sisid. Kapwa naman nila inamin na tinindihan na nila ang kanilang halikan sa una pa lang para “take one lang” iyon. Sinabi naman nila na dahil pareho naman silang lalaki kaya bale wala na sa kanila angBhalikang iyon.
Inamin pa ni Paolo na mas madali nga ang kissing scene sa kapwa lalaki dahil wala ka nang iniisip. Kung babae nga naman ang kahalikan mo, marami pang considerations. Sinasabi pang hindi lang naman ang mapapanood sa pelikula ang kanilang ginawa. Tatlo ang kissing scenes na ginawa ng dalawa, bagama’t hindi na nga isinasali sa pelikula iyong iba. Sa lahat ng kissing scenes ay hubo’t hubad ang dalawang lalaki pero wala silang pakialam dahil lalaki naman sila.
Bago iyan nakagawa na rin naman ng mga ganyang eksena si Paolo na makailang ulit pa niyang ibinuyangyang ang kanyang private parts kaya kung tutuusin ano pa nga ba ang iiwasan niya?