Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Annalyn Manalo Jose Manalo

Asawa ni Jose na si Annalyn yumao na

HATAWAN
ni Ed de Leon

NABALITA lamang iyon nang ilabas na sa social media ng kanyang mga anak na namatay na pala noong Biyernes si Annalyn, ang hiniwalayang asawa ng komedyante at television host na si Jose Manalo. Walang ibang detalyeng inilabas ang kanilang mga anak. Ni hindi sinabi kung ano ang sanhi ng kamatayan ni Annalyn. Ang sinabi lang nila ay inaayos na nila ang burol at ang magiging paglilibing doon. Hindi rin nila nababanggit si Jose.

Ilang taon na rin ang nakararaan, naging kontrobersiyal din ang asawa ni Jose dahil sa ilang issues na kinasangkutan niyon. Naapektuhan maging ang papataas na noong career ni Jose dahil sa controversy na umabot pa hanggang sa management ng GMA 7 nang ang sinasabing mga pinagkakautangan ni Annalyn ng kung ilang milyong piso dahil sa alahas ay nag-rally pa sa GMA, sa pag-aakalang ang network nga ang producer ng Eat Bulaga. Nadamay si Jose dahil ang naipambayad sa ilan sa mga utang ay mga tseke niya.

Para mas maiwasan pa ang lalong malaking eskandalo, kailangang magpahinga muna si Jose sa kanyang trabaho sa Eat Bulaga, at sinasabing iyon nga raw ang naging dahilan ng tuluyan nilang paghihiwalay.

Nabayaran naman unti-unti ni Jose ang mga kompromiso sa tulong ng Eat Bulaga at nakabalik naman siya sa kanyang trabaho. Mula noon wala na ring nabalita tungkol sa kanila ni Annalyn, bagama’t sinasabi ngang nagpapadala pa rin naman si Jose ng sustento sa kanyang mga anak, pero ang lahat ng iyon ay dumadaan sa Tape Inc., na siyang nangangalaga sa kanyang career.

Wala ka namang maaasahang mabilis na reaksiyon mula kay Jose dahil ang kanilang Eat Bulaga ay replay lamang ng mga nakalipas na episodes para maiwasan na rin ang pagkalat ng Covid.

Siguro sa susunod na mga araw ay lalabas din ang ibang detalye pa ng naging pagyao ng asawa ni Jose. Pero nakikiusap ang pamilya na kung maaari ay mapanatili ang privacy ng kanilang pamilya sa panahon ng kanilang pagdadalamhati, at karapatan naman nila iyon.

Nakikiramay kami sa pamilya ni Jose sa pagyao ng kanyang asawa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …