Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kris Aquino Ping Lacson

Ping hangad ang agad na paggaling ni Kris

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI sinasadyang nasabay ang pagbanggit ni presidential aspirant Ping Lacson sa kanyang i-Ping TV sa Youtube channel sa segment na World Association Challenge kay Kris Aquino na magbibigay siya ng few words na ikokonek sa kanila.

At isa nga si Kris sa ilang pangalang nabanggit at nagbigay ng few words si Lacson. Pero hindi lang celebrities (local at foreign) ang puwedeng banggitin na pangalan dahil may pagkakataon din na mayroong politicians (na local at foreign din). 

Sa video post nasabi ni Ping kay Kris na, “Good luck to her,”  at “I wish her well.” 

Sinabi pa ng senador sa aktres/tv host, “She deserves to be happy.”

Magkaibigang dikit sina Ping at kuya ni Kris na si dating Pangulong Noynoy Aquino kaya hindi kataka-takang alalahanin nito ang  ikabubuti ng tinaguriang Queen of All Media.

Alam namin natin na nahaharap ngayon sa pagsubok sa kanyang kalusugan ni Kris dahil sa sakit niyang autoimmune disease. Bukod pa sa  kaka-break din lang nila ng fiance niyang si Mel Sarmiento.

Pero kahit may pinagdaraanan, kahanga-hanga na patuloy na gumagawa ng paraan si Kris para makatulong sa mga biktima ng kalamidad at pandemya.

Bukod kay Kris, nabanggit din sa naturang “challenge” si Dolphy at ilang manlalaro tulad nina Efren Bata Reyes, Paeng Nepumuceno, Lebron James, at si Michael Jordan, na sinabi ni Ping na, “My idol. I’m forever a basketball fan of Michael Jordan.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …