Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Miguel Tanfelix Magpakailanman

Miguel sobrang na-challenge sa pagganap ng walang binti at paa

RATED R
ni Rommel Gonzales

LUBOS na-challenge si Miguel Tanfelix sa role niya sa upcoming fresh at brand-new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Gaganap si Miguel bilang si Diego Garcia, isang lalaking ipinanganak na walang binti at paa at may underdeveloped na mga kamay.

Sa kabila ng kanyang kapansanan, naging viral sa TikTok si Diego dahil na rin sa positibo niyang approach sa buhay.

Challenging ‘yung role, yes, not only emotionally pero physically kasi talagang ‘yung kamay ko naka-prosthetics. Hindi ako makakain nang maayos. Hindi ako makabasa ng script ng maayos. Sobrang hirap ng walang mga daliri,” bahagi ni Miguel.

Emotionally pa, challenging siya kasi ipinakikita mo sa mundo na masaya ka dahil nagti-TikTok ka, ipinakikita mo sa family mo na masaya ka pero deep inside sobrang sakit na. Sobrang hirap na na ginaganoon ka ng mga taong nakapaligid sa ‘yo,” dagdag pa ng aktor.

Ayon kay Miguel, kahit sa sandaling pagganap niya sa episode, naintindihan niya ang narasanan ni Diego. Nakatulong din ito para magampanan niya nang mabuti ang role.

Feeling ko nakatulong din sa akin emotionally ‘yung kung paano ko ginawa ‘yung scenes. Since wala akong paa, nakaupo lang talaga ko sa floor. I feel very inferior every scene kasi lahat tinitingala ko, lahat niyuyukuan ako, tinitingnan ako pababa. Nakatulong sa akin ‘yung physicality ni Diego Garcia para mas makapasok ako sa role,”paliwanag pa niya.

Abangan ang isa na namang natatanging pagganap ni Miguel sa fresh at brand-new episode na Footless and Fearless: The Diego Garcia Story, bukas, Sabado, January 15, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.

Kasama rin dito sina Sharmaine Arnaiz bilang Nanay Lyn, Paul Salas bilang Billy Joe, Mike Lloren bilang Tatay Joseph, Sophia Senoron bilang Samantha, at Saviour Ramos bilang Cocoy.

Ito ay sa direksiyon ni Neal Del Rosario, sa panulat ni John Roque at pananaliksik ni Angel Launo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …