PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga
AMINADO si Kris Aquino sa kanyang Instagram post na hindi pa talaga maayos ang lagay ng kanyang kalusugan pero hindi ito magiging hadlang sa patuloy na pagtulong niya sa kapwa.
Gusto ni Kris na ituloy ang pagtulong lalo na nga’t gusto niya itong ialay para sa nalalapit na kaarawan sa January 25 ng kanyang yumaong ina na si dating Pangulong Cory Aquino.
Ayon sa caption ng IG post ni Kris, “Inamin ko na malayo sa okay ang kalusugan ko… pero ginagawa pa rin namin ang lahat ng kakayanin sa ngayon, para makatulong sa kapwa.
“Simple ang dahilan ko, hindi nyo kami iniwan nung kami ang nangangailangan… i am just reciprocating in the way i am at present able to, the LOVE, SUPPORT, KINDNESS, COMPASSION, and LOYALTY many Filipinos have given me and my family, especially now that many need assistance. Lahat ng napangakuan, ginagawan ng paraan na matupad bago mag January 25, birthday in heaven ng mom ko.”
May pakiusap din si Kris kaugnay ng ilang larawan sa ipinost niyang series of photos.
“Isang request lang po, please don’t scold my nurse for not wearing gloves during our IV insertion- ako po ang nag request na tanggalin na nya kasi naubusan na ko ng veins for the IV line, fragile & weak kasi ang mga ugat ko. Whether doctor or nurse, inaabot minsan ng 8 attempts to get the line successfully in.”
Patuloy din sa pagpapakatatag si Kris sa kabila ng nilalabanang auto immune disease at naghihilom pa rin ang sugatan niyang puso dahil sa breakup nila ng ex-fiance niyang si dating DILG Secretary Mel Sarmiento. Alam kasi niyang kailangan pa siya ng kanyang mga anak na sina Josh at Bimby.
“Mahaba pa ang laban ko to strengthen my body & heal my broken heart… BUT from childhood i already knew, for me weakness could never be an option… especially NOW because i have kuya josh & bimb who still need me to love, care, and provide for them. Para sa dalawang pinakamamahal ko, hindi ako susuko.”
Sa huli nagpasalamat siya sa lahat ng mga totoong nagmamahal sa kanya at maaasahan niya. Pero hindi niya pinatatamaan dito ang dating karelasyon.
“P.S. to protect the privacy of the very thoughtful friends who sent me flowers, balloons, fruits, home cooked food, Rosaries, prayer books, ice cream, and so much more i am refraining from any gratitude posts. To all, please know how much your thoughtfulness & gestures of caring especially your messages and hand written cards have uplifted me. At least now i know sino ang totoong nagmamahal at maaasahan, at sino ang makasarili at fake lang pala. (Hindi po yung ex fiancé ang pinatatamaan, kung sya pinangalanan ko na lang.)”