Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jaime Fabregas Leni Robredo

FABREGAS INENDOSO SI LENI
(Nanawagan sa mga kapwa Bicolano mag-recruit ng mas maraming supporter para kay Robredo)

INENDOSO ni Jaime Fabregas ang pagtakbo bilang pangulo ng kapwa Bicolano at Bise Presidente Leni Robredo kasabay ng paghikayat sa mga kalalawigan na aktibong mag-recruit ng mas marami pang mga tagasuporta para matiyak na ang susunod na pangulo ng bansa ay mula sa Bicol Region.

Iparamdam natin sa buong Pilipinas ang galing, lakas, at pusong Bicolano. Ipakilala natin sa kapwa Filipino ang tapat na pinuno. At ipakita natin sa buong mundo ang kakayahan at katatagan ng ating lahi,” ani Fabregas.

Sa katauhan ni Robredo, idineklara rin ng aktor na taglay ng Bicol ang pinakamagaling at pinaka-kwalipikadong kandidato sa mga tatakbo bilang pangulo sa 2022.

Ang pakiusap ni Lolo General sa inyong lahat, na mangumbinsi pa tayo ng hindi bababa sa lima pang botante na makiisa sa ating layunin,” wika ni Fabregas, na tinutukoy ang kanyang karakter sa sikat na TV series na Ang Probinsyano.

Nagpahayag ng pagkadesmaya si Fabregas sa katotohanan na wala pang pangulo mula Bicol Region ang nahalal kahit ito na ikalimang pinakamaraming bilang ng botante at ikaapat na pinamalaking ethnic group sa bansa.

Hindi ba kataka-taka na sa buong kasaysayan ng Pilipinas, wala pang naging Presidente mula sa Bicol?” ani Fabregas.

Limang pangulo ang nagmula sa Central Luzon —Ramon Magsaysay (Zambales); Diosdado Macapagal at Gloria Macapagal-Arroyo (Pampanga), at Cory at Noynoy Aquino mula Tarlac.

Sa Ilocos Region, na mas kaunti ang botante kompara sa Bicol Region, ay may tatlong pangulo — Elpidio Quirino, Ferdinand Marcos, at Fidel Ramos.

Dalawang pangulo naman ang nagmula sa Luzon — Manuel Quezon (Tayabas) at Joseph “Erap” Estrada (National Capital Region), dalawa mula sa Visayas na sina Manuel Roxas at Carlos Garcia habang may isa ang Mindanao, si Rodrigo Duterte.

Sa kanyang parte, hinikayat ni Robredo ang mga kapwa Bicolano na huwag sayangin ang pagkakataon na makapaghalal ng pangulo mula Bicolandia sa 2022.

Huwag na po nating palampasin ang pagkakataong ito. Ang tagumpay natin sa Mayo ay tagumpay ng bawat Bicolano at Filipino. Inaasahan ko po kayo,” sambit ni Robredo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …