Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Quizon CT

Epy sa pagdidirehe ng Quizon CT — Mas madali, tinginan pa lang alam na

RATED R
ni Rommel Gonzales

SINA Eric at Epy Quizon ang magkatuwang na director ng Quizon CT kasama ang kapatid nilang si Vandolph at asawa nitong si Jenny Quizon, kaya natanong namin kung mas madali ba o mas mahirap kapag kapatid ang idinidirehe nila sa isang show?

Actually ako, mas madali,” umpisang sagot ni Epy. “Kasi like kapag may script kaming babasahin at ‘pag binasa na namin, alam na namin kaagad.

“Like si Vandolph, ang daling idirehe niyan kasi ‘pag binasa na niya ang script alam na niya. Magtitinginan lang kami, alam na namin kung sino ang dapat mag-play niyong role or kanino mas bagay. So, sa tinginan pa lang namin alam na.

Tapos siguro okay din dahil madali naming kunin ‘yung timing ng isa’t isa.

“So we know the timing already, I think we’ve gone through that so many years already together, with my dad especially, noong may mga show pa kami with my dad.”

Anak ng Comedy King na si Mang Dolphy sina Epy, Eric, at Vandolph.

So yung mga timing, comedy timing, ‘yung pagbato ng punch, mas madali, mas madali na siya kasi para na lang kaming naglalaro sa bahay, and it’s a game we played when we were young.

“At ‘pag nagba-bonding kami, iyon din ‘yun eh, ‘yung delivery, ‘yung ‘pag set-up ng punch, hanggang delivery niyong punch, parang ano na siya, second nature na.

“Lalo na ‘pag kapatid mo ‘yung mga katrabaho mo, ‘yung idinidirehe mo,” paliwanag pa ni Epy.

Ang gag show nilang Quizon CT ay napapanood tuwing Linggo 8:00 p.m. sa Net 25 na tampok din sina Martin Escudero, Bearwin Meily, Gene Padilla, Garry Lim, Tanya, Charuth, at 2020 Miss Universe-Philippines 4th runner-up Billie Hakenson.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …