Tuesday , May 13 2025
Christine Bermas Vince Rillon Siklo

Christine Bermas trending dahil sa siklo

REALITY BITES
ni Dominic Rea

ISA rin sa sinasaluduhan kong baguhang seksing aktres ay si Christine Bermas ng pelikulang Siklo ng Vivamax

Nakilala naming tahimik at parang walang muwang sa mundo. Hanggang sa agad-agad ay sumabak sa pagpapaseksi sa mga pelikulang kanyang ginawa para sa Vivamax. 

Maaaring ito ang trending ngayon pero inamin ni Tin na ginagawa niya ang lahat ng ito para sa kanyang kinabukasan at pamilya. Palaban din ang seksing aktres at hindi rin matatawaran ang kanyang galing bilang isang baguhang aktres. 

Just like Cloe Barreto ng Silab na pakawala rin sa pagpapaseksi si Tin. Agad-agad ay limang movie projects na ang kanyang ginawa for Vivamax kasama na riyan ang kanyang launching movie na Moonlight Butterfly ni Joel Lamangan na malapit na rin nating mapanood kasama sina Albie Casino, Ivan Carapiet, at Kit Thompson.

Kasalukuyan namang humahataw sa Vivamax streaming platform ang pelikula nilang Siklo ni Vince Rillon sa direksiyon ni Roman Perez Jr.

About Dominic Rea

Check Also

Benhur Abalos

Boots Anson-Rodrigo, film executives inendoso si Benhur Abalos sa Senado

ni ROMMEL GONZALES SA unang pagkakataon ay nag-endoso ng isang political aspirant ang respetadong aktres …

Sam SV Verzosa 2

Tunay na pagbabago sa Maynila sigaw ni SV: Nagpasalamat kina Isko at Honey

MARICRIS VALDEZ “MAYNILA handa na sa tunay na pagbabago Ipapanalo ko kayo! Ito ang mga salitang …

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Kakie Pangilinan

Anak ni Sharon na si Kakie idinaan sa sulat kamay na liham paghingi ng suporta sa amang tumatakbong senador

ni MARICRIS VALDEZ IBINIDA ni Sharon Cuneta ang makabagbag-damdaming liham ng kanilang anak ni senatorial candidate Francis “Kiko” …

Sam SV Verzosa

‘Pag pinalad mahalal
Sam Versoza ipatutupad agad P2K para sa mga senior at PWD

ni ROMMEL GONZALES ANO ang unang gagawin ni Sam “SV” Verzosa kapag pinalad siyang mahalal bilang alkalde …

Benhur Abalos

Benhur Abalos nagulat pag-endoso ni Vice Ganda; Roselle Monteverde iginiit unahin ang bansa

ni MARICRIS VALDEZ MALAKI ang pasasalamat ni Senatorial candidate Benhur Abalos kay Vice Ganda sa pag-eendoso sa kanya. Sa …